ARTS FOR HUMAN RIGHTS: Dare to Care (reportage)

Araw ng Sabado, December 10, 2016. Meron isang event sa Pacific Mall Lucena na dinaluhan ng mga Humanities and Social Sciences (HUMSS) students mula sa Calayan Educational Foundation, Inc. (CEFI). Ang nasabing programa ay pinamagatang ARTS FOR HUMAN RIGHTS, ito ay inorganisa ng grupong Anak ng Quezon at iba pang organisasyong nagsususlong ng karapatang pantao kasabay ng selebrasyon ng International Human Rights Day. Mayroong mga bahagyang nahuli sa programa, malapit nang mag-alas dose nang dumating ang ilan sa venue. Ilang minuto lamang ang nakalipas matapos mapirmi sa kanilang mga kinauupuan, nag-announce na ng lunch break. Bumalik ang mga kalahok sa Pacific Mall ng ala una pasado ng hapon at nagkaroon ng film viewing. Kwentong Barbero ang pamagat ng pelikula, ang beteranang aktres na si Eugene Domingo ang pangunahing tauhan sa kwento. Tinalakay sa pelikula ang kasagsagan ng Batas Militar sa bansa nang manungkulan ang rehimeng Marcos. Bandan...