Critical Essay: Paper isn't 50-50
Meron
akong kilalang isang makata, sanaysayista’t kwentista, ang kanyang pangalan ay
Alejandro G. Abadilla, kahit hindi pa kami nagkikita ng personal, meron akong
natutunang mahalaga galing sa kanya. Sabi niya, “nakasulat
na karansan ng isang sanay sa pagsasalaysay” ‘yan ang sanaysay. Hindi pa siya
nakuntento dyan, hindi pa siya nakuntento, parang x mo lang. Isang anyo ng panitikang tuluyan na
naglalahad ng kuru-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, at reaksyon ng
manunulat hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga at napapanahong paksa o isyu,
sa kanya ko rin nalaman ‘yang mga ‘yan.
Oo, hindi siya marunong makuntento, pero ayos lang sa ‘kin
kasi marunong siyang magpahalaga. Ayon sa kanya, mahalaga ang pagsusulat at
pagbabasa ng sanaysay sa pagkat natututo ang mambabasa mula sa kaisipang taglay
nito.
Parang ideal partner pala ‘tong
sanaysay, meron tayong hinahanap na characteristics sa kanya. Una sa listahan, tema at nilalaman, kahit anong laman ng isang sanaysay,
itinuturing itong paksa dahil sa layunin ng pagkakasulat nito at kaisipang
nakapaloob dito. Kasunod nyan, anyo
at istruktura, isang mahalagang sangkap na nakaapekto sa pagkaunawa ng nais
ipabatid ng akda, ang maayos at lohikal na pagkasunud-sunod ng ideya o
pangyayari na tumutulong para maintindihan ang kabuoan ng sanaysay. Bukod sa
kanila, nandyan din ang wika at istilo, ito ang uri at antas ng wika at istilong
ginagamit ng manunulat, katulad ng isang babae, gusto natin ‘yong simple, natural at matapat na mga
pahayag.
Itong sanaysay ay isang tulay, komposisyon na
may iisang diwa at pananaw. Ito rin ay nangangahulugan ng isang sistematikong
paraan upang maipaliwanag ang isang bagay o pangyayari. Sa anu’t anuman, ang
depenisyon ng sanaysay ay nagangahulugan lamang na isang paraan upang
maipahayag ang damdamin ng isang tao sa kanyang mga mambabasa. Ito ay isang uri
ng pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng lathalain na may layuning maihatid
ang nais na maipabatid sa kapwa tao.
Kapag babalikan natin ang
kasaysayan, hindi lamang Katolisismo’t kulturang Europeo ang pasalubong ng mga
Espanyol sa ‘ting mga Pilipino, pati sanaysay na kasali sa mga panitikan na
meron bagong anyo.
Nagsisilbi itong makinarya sa
malayang pagpapalaganap ng mga nais ibahagi tungkol sa reyalidad na nangyayari
sa paligid. Kung lalaki lang ‘tong sanaysay, siguradong ito na ‘yong gusto mong
maging boyfriend, tono nito ay seryoso, at walang halong pagbibiro.
Ang babae, pabago-bago, minsan
mabait, minsan masungit, parang Creative Nonfiction, minsan critical, minsan creative. Kapag
critical, malapit nang mamatay, Hahahaha jk! nagtataglay ito ng pananaliksik at
pinag-aralang mabuti ng sumulat. Ang mga salita’y umaakma sa piniling isyu at
kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang
ginawan ng pananaliksik, samantalang tungkol sa iba’t ibang bagay at mga
pangyayari na nakikita at nararanasan sa paligid kapag creative.
Sa madaling salita, “Ang sanaysay ay isang produktibong sulatin
na tulay sa pagpapahayag ng halos lahat tungkol sa kahit ano.”
Comments
Post a Comment