Face Your Fears: A Badjao Encounter (interview)
Interviewer: Good morning
po.
Interviewee: Magandang
umaga din.
Interviewer: Ano po
ang pangalan nyo?
Interviewee: Lorna K.
Blanca
Interviewer: Ilang
taon na po kayo?
Interviewee: 39 mag 40
na sa October
Interviewer: Saan po
kayo nagmula?
Interviewee: Sa
Zamboanga del Sur
Interviewer: Bakit dito
niyo po sa Barra naisipan na lumipat?
Interviewee: Kasi
tahimik at ligtas sa gulo. Malapit sa dagat sa iba pang kabuhayan.
Interviewer: Ilang
taon na po kayo dito?
Interviewee: 37 years. Dito na ako lumaki,
dati dalawang pamilya pa lang kami ditto. Tapos itong tinitirikan ng bahay namin
ay masukal yan, aromahan ‘yan.
Interviewer: May balak
pa po ba kayo bumalik sa Zamboanga?
Interviewee: Hindi na,
komportable na kami dito. Registered na kami sa barangay.
Interviewer: Ilan po
ang anak nyo?
Interviewee: Siyam
sila, lahat sila ay nakakapagaral .
Interviewer: Noon po
nung bago pa lang kayo dito paano po ang pamumuhay nyo?
Interviewee: Noon
walang wala kami, sariling sikap lang. Nung una nangingisda noong di pa
pinagbabawal nagtitinda kami ng mga sinisisid na corals.
Interviewer:
Nakapag-aral po ba kayo?
Interviewee: May
nagoffer sakin ng tulong noon, scholarship kaya nakapagaral ako. Hanggang grade
3 lang kasi mas kinailangan tumulong maghanapbuhay.
Interviewer: Ano po
ang masasabi nyo sa biglaang pagsikat ni Rita
Interviewee: Hindi na
siya kagaya noong dati nung hindi pa siya sikat, palakad lakad siya dito.
Ngayon di na ah parang sino ka. Naglevel up na agad siya. Pero di natin alam
malay mo pinagsabihan talaga siya ng manager na ganito dapat mong gawin,
manamit ka ng maayos. Syempre iba yung tagalog sa Badjao, kasi sa mga Badjao
kung anon a kami paglakad, pananamit, pagkain. Ang inaano ko lang yung pagaaral
nya ditto. Ischolar din kasi yung ni Fr. Martin e, yung dito sa Dalahican. Napapabayaan
ang pagaaral nya dito isang buwan na din atang absent e.
Interviewer: Kung bibigyan po kayo ng pagkakataon na humingi ng tulong
mula sa local government, ano po ‘yon?
Interviewee: Ang saamin
lang sa Badjao Community dito, na wag kami paalisin o itaboy. Gusto ko pag Samah
Badjao lang, kami lang. Oo sanay na din kami makihalobilo sa mga tagalog, kasi
sanay na rin kami magtagalog. Binubully rin kami, kahit nga tong tanda ko na to
binubully pa rin ako. Pero mananawa rin ang mga yan. Mas tahimik dito kahit
maingay mga kapit bahay namin, walang gulo.
Ayon sa pahayag ni Gng. Lorna A.
Blanca, nagsimula sila ng walang-wala pero sila ay nagsikap upang maitawid ang
kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Pagbebenta ng mga palamuting yari sa mga
corals ang dati nilang ikinabubuhay. Ngunit sa kasamaang palad ay mahigpit na
itong ipinagbawal ng local na pamahalaan. Nang siya’y nag-aaral pa, mayroong
nagmagandang-loob upang siya ay paaralin. Tinanggap ni Lorna ang tulong na
inialok sa kanya ngunit hindi niya ito natapos at tumigil nang siya ay grade 3
pa lamang. Sa kasalukuyan ay 39 na taon na si Lorna at mayroong siyam na anak.
Nakakapag-aral ang lahat ng mga anak ni Lorna sa tulong ng isa sa mga kasalukuyang konsehal ng Lungsod ng Lucena na si Atty. Sunshine Abcede. Dagdag pa rito, nagsasagawa ng mga libreng check-ups at nagkaroon ng rehistrasyon para sa kanila sa Barangay Barra, Lucena City. “Ayaw na naming bumalik doon, komportable na kami dito, walang gulo at tahimik
kahit maiingay ang kapit-bahay namin”, sarkastikong saad nito.
Nabanggit din ng ginang na nagdesisyon silang manirahan sa nasabing barangay dahil malapit ito sa dagat at pangingisda ang pangunahin nilang kabuhayn. Bukod pa rito, si Lorna at ang kanyang kapatid na simZenaida T. Biay ang tumatao sa sari-sari strore na pagmamay-ari ng kanilang nanay. Naglalaro sa P400-P1000 pesos ang kinikita ng tindahan ayon pa sa magkapatid.
Comments
Post a Comment