Education is the key to success; HUMSS: Hyped-Up Master key SHS Strand


             Marahil nga ay napag-iiwanan na ang bansang Pilipinas sa pagdating sa edukasyon bunsod ng malawakang globalisasyon. Bilang aksyon, sinimulan ang implementasyon ng K-12 curriculum sa ating nasyon. Ako'y isang estudyante ng Calayan Educational, Inc. na nasa ilalim ng strand na Humanities and Social Sciences (HUMSS). Ano nga ba ang strand na ito? Ano-ano nga ba ang pinag-aaralan dito? Bakit nga ba nagdeklara pa ng K-12: 'yun ay ang pagdagdag pa ng dalawang taon sa High School.
  
             Bakit nga nagpatupad pa ng ganito? Para ba pahirapan ang mga magulang o ang mga estudyante? At paano nga ba natanggap agad ng mga estudyante ito?.
   
             Sa ilalim ng strand na HUMSS, hindi importante kung magaling ka sa ,ath o science, basta ang mahalaga , kaya mong matuto. Ang HUMSS, isa sa madaling strand sa Senior High kapag ito ang napili mong pasukan isa ito sa pinaka-interesting na strand.
  
             Bukod pa dito, hindi mo kailangan makipagsabayan sa IQ level ng ibang estudyante, dahil sa strand  na HUMSS  kusa mong madidiskubre ang mga kakayahan mo pagdating sa ano mang klaseng aktibidad sa paaralan.
  
             Sa strand na ito, marami kang pagpipiliang kurso dahil maraming nakapaloob dito na maaari mong tahakin pagdating sa kolehiyo na kahit abno mang propesyon ang piliin mo basta ba handa kang matuto sa mga signaturang nakapaloob dito.
 
             Pagdating sa strand na ito, marami at ,adali kang makakuha ng trabaho dahil tulad nga ng sabi ko maraming kurso ang nandito. Tulad ng pagpupulis, psychologist, architecture o kung ang propesyon mo naman ay pagtuturo naangkop din 'yon dito.
   
              Sa ipinatupad na K-12, hindi naman problema ang tuition dito sapagkat libre naman ang voucher sapagkat ito ay mula sa gobyerno, na kahit saang school ka lumipat may mata-tanggap ka naman na voucher. At mas bagong environment kasi lilipat ka na ng schol.
   
               Sa strand na HUMSS, madali kang matututo kung mag-iintindi ka lang. Sa stramd na ito, hindi ka masyadong gagstos hindi tulad ng ibang strand katulad ng BM na halos gumastos sapagkat nagluluto sila dahil ito ang gusto nilang maging propesyon.
   
  Isang napakagandang strand ang Humanities and Social Sciences dahil kung may kakayahan o talento ka sa pagsusulat ng tula pasok ka dito. Sa subject na ito, pwede kang maging isang creative na tao. Kung ako sa'yo, piliin mo ang strand na Humanities and Social Sciences.
   
 Para sa akin, maganda na naideklara ang K-12 upang madagdagan ang kaalaman ng kabataan. Sa pagpapatupad nito, maari ka nang makapagpatrabaho kahit 'di ka na tumungtong ng kolehiya. Isang napakagandang oportunidad nito para,sa ating kabataan

Comments

Popular posts from this blog

Critical Essay: Paper isn't 50-50

Taklub: Tacloban ay Bumangon nang Lubhang Hinamon (film analysis)