Liham para kay DU30: Mula kay Juan Dela Cruz


Mahal kong Pangulong Rodrigo "Rody" Roa Duterte,

Pagbati po ng kapayapaan!

Una sa lahat, nais ko po munang ipakilala ang aking sarili. Ako po si Abegail N. Batioco, isang ordinaryong etudyante at isang simpleng mamamayan na naghahangad ng malawakang pagbabago. Mula pa lamang po nang ako ay magkaroon ng kamalayan hanggang sa kasalukuyan, wala po akong nakitang pagbabago at pag-unlad na naganap sa Pilipinas. Sa kabila nito, dumating po ang oras na kayo ay nagpasyang tumakbo bilang Pangulo ng ating bansa na nagtulak sa akin upang muling mabuhayan ng loob. Matibay po ang paniniwala ko sa iyong kakayahanan na maibangon muli ang ating bayang lugmok sa dusa at matinding kahirapan.

Ngunit, kaakibat ng iyong paghahangad na gamutin ang kabi-kabilang sakit ng ating bansa, sana ay masubaybayan po ninyo ang mga patayang nagaganap. Nais po nating malaman ang katotohanan sa likod ng mga ito. Ayon po sa mga indikasyon o teorya, hindi lahat ng nangyayaring pagpatay ay talagang kaugnay, kundi kasabay lamang, ng kampanya laban sa droga. May mga pagpatay na isinasabay o isinasakay lamang ng mga tiwaling kawani ng pamahalaan at mga kasabwat nila upang pagtakpan ang kanilang karumaldumal na partisipasyon sa kalakalan ng droga. Hindi nila isinusulong, kundi inililihis pa nga ang direksyon ng paglaban sa droga at sinasabotahe ang magagandang layunin ng kampanya. Lubha po akong tutol sa EJK.

Nais ko pong mabigyan ng sapat na atensyon ang pagtiyak sa katotohanan ay kagaya rin ng pag-alam ninyo sa mga indibidwal at grupong nagpapatakbo ng negosyo ng droga, at sa pagtukoy sa mga ugat at saklaw nito sa loob at labas ng ating bansa. Sa paglalahad ng katotohanan, pakay po natin ang tunay na tagumpay ng kampanya laban sa droga at kriminalidad sa pagpapanukala ng mga nararapat na batas at alituntunin upang tulungan ang ating mga alagad ng batas sa tamang pagtupad ng tungkulin. Higit sa lahat, hangad po natin gaya rin ng hangad ninyo, Pangulong Duterte, na palakasin pa ang sistema ng ating mga batas para matiyak ang pag-iral ng batas at paggalang sa karapatang pantao sa lahat ng pagkakataon.



Maraming Salamat po, Mr. President!


                Lubos na gumagalang,

                 Abegail N. Batioco


Comments

Popular posts from this blog

Critical Essay: Paper isn't 50-50

Education is the key to success; HUMSS: Hyped-Up Master key SHS Strand

Taklub: Tacloban ay Bumangon nang Lubhang Hinamon (film analysis)