Rare, hate me or not, I don't care (autobiography)
Physical aspects
Eksaktong 11:59 ng gabi,
Setyembre 14 taong 1999 nang ipanganak ako. Labing pitong taong gulang na ako
sa kasalukuyan. Hindi ako maganda, hindi rin naman pangit. Sakto lang. Mahilig
ako sa isports partikular na ang Basketball, kahit pa sabihing karaniwang mga
lalaki ang naglalaro nito. Malakas ang aking pangangatawan pati na rin
resistensya kung kaya’t madalang akong magkaroon ng sakit. Sa katunayan, sa
talang buhay ko ay hindi pa ako naisugod sa ospital pwera lang noong nakainom
ako ng gas na inakala kong softdrinks dahil nasa bote ng Sprite. 2 years ago,
nagkameron ako ng chicken pox at hanggang ngayon bakas pa rin ang mga peklat na
mula sa bulutong ko. Hahahaha
Hindi
na ‘ko nagtataka kung bakit marami akong nunal sa mukha ko dahil kahit ang mga
magulang ko ay mayroon din. Kahit ang nunal ko malapit sa ilong, katulad rin ng
sa kanila. Sa kabila ng pagiging kuntento sa kung ano ang meron ako,
insikyuridad ko ang aking body figure.
Inner life
Hindi ako ganoon katalino
ngunit nakatitiyak naman akong hindi naman ako napag-iiwanan. Ako yung tipo ng
tao na makitid ang utak at medyo may pagkamababaw. Tamang meron common sense,
at naniniwalang “You only live once, YOLO! So live your life to the fullest and
be the best version of yourself.” Kung interaksyon sa ibang tao ang pag-uusapan,
masasabi kong dominante ako at gusto ko ay ako ang masusunod palagi. Sa oras ng
problema, mas gusto kong sinasarili ko lang at ako lang mag-isa ang tutulong sa
sarili para resolbahin ang problemang meron ako. Hindi ko kinoconsider na
talented ako pero marunong lang akong sumayaw, magsulat, at maging isanhg
visual artist. Talento sa pagkanta ang pinakapinagkait sa ‘kin. Bilang isang
anak, I make my parents proud through my achievements inside and outside the
school. Pero kahit nafufulfill ko yung maging proud sila sa ‘kin, pakiramda ko
ay hindi pa rin ito sapat. Marami pa rin akong pagkukulang bilang isang anak,
kapatid, kaibigan, at kapwa sa ibang tao.
Sa
hinaharap, hangad kong maging isang police colonel, broadcaster, doctor,
makapagpundar ng mga properties, wheels, at maibalik sa mga magulang ko ang lahat
ng deserving para sa kanila. Ayako sa lahat yung sinasaktan ako ng pisikal,
papansin, at ipinapahiya ako sa ibang tao.
Hindi
ako magtatangkang wakasan ang sarili kong buhat, sumubok ng droga, at tumigil
sa pagmamahal. Magaling ako sa wise guess at malakas ang psycho ko sa iba’t
ibang pagkakataon. Kahinaan ko ang decision making at logic.
Life with others
Home life
Comments
Post a Comment