Taklub: Tacloban ay Bumangon nang Lubhang Hinamon (film analysis)

Kahit medyo
nabitin ako at hindi ako nakapanuod nang maayos dahil nahilo ako sa aking
pwesto nang panuodin koi to, masasabi ko pa rin na nagging makabuluhan ang
kabuoan ng pelikula.
“Nandito pa si
Hesus sa krus, gusto niyang manatili kasama natin,” pahayag ni Larry nang
mahukay nito ang crucifix.
“Okay lang na
pumunta ako sa dagat at makain ng mga pating, tutal wala na anamn akong uuwiang
pamilya,” ani Renato habang kumakain ng pansit sa selebrasyon ng kaarawan ng
bata.
Sa dalawang
pahayag na nabanggit mula sa pelikula, naipakita ang matinding pananampalatay
sa Diyos at pagpapahalaga sa pamilya.
Inilantad ng
pelikula ang kabigatan ng kinahinatnan ng mga pamilya sa Kabisayaan. Ito ay
matapos silang salantain ng bagyong Yolanda. Sinasalamin din sa pelikula ang
pananatiling sariwa pa rin ng nangyaring trahedya sa isip ng mga nasalanta.
Layunin ng director
na isulong ang independent films sa tulong ng pagtatampok ng tunay na kwento
mula sa taong mismong nakaranas nito at patuloy na nakikipaglaban sa buhay sa
kabila ng pagkakadapa.
Katulad ng
nangyari sa mga nasalantang pamilya ng bagyong Yolanda, sa totoong buhay, ay
nagsisimula muna tayo sa wala at sa paglipas ng panahon ay unti-unti nating
nabubuo ang ating sarilI. Hindi ganun kabilis kalimutan ang masasalimuot nating
pinagdaanan. Sa reyalidad ng buhay, makatotohanan ito, dahil hindi lahat ng
sugat, madaling mahilom.
Maituturing na
isa sa pinakamatinding bangungot ng mga naninirahan sa Kabisayaan particular na
sa Tacloban City ang pananalasa ni Yolanda. Ito ang karanasang nagdulot ng
malawakang pagbabago sa takbo ng kanilang buhay. Bukod dito, mas napalapit
sila sa Diyos. Mas napatibay nito ang kanilang pananampalataya, at nagbuklod sa
kanila upang huwag mawalan ng pag-asa.
Sa kabuoan,
maganda ang pelikula ni Direk Brillante Mendoza lalo na’t sa mismong
pinangyarihan shinoot ang produksyon, mahusay at mga batikang actor at aktres
ang gumanap. Masyado lang naging malikot ang camera.
Comments
Post a Comment