Meron akong kilalang isang makata, sanaysayista’t kwentista, ang kanyang pangalan ay Alejandro G. Abadilla, kahit hindi pa kami nagkikita ng personal, meron akong natutunang mahalaga galing sa kanya. Sabi niya, “nakasulat na karansan ng isang sanay sa pagsasalaysay” ‘yan ang sanaysay. Hindi pa siya nakuntento dyan, hindi pa siya nakuntento, parang x mo lang. Isang anyo ng panitikang tuluyan na naglalahad ng kuru-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, at reaksyon ng manunulat hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga at napapanahong paksa o isyu, sa kanya ko rin nalaman ‘yang mga ‘yan. Oo, hindi siya marunong makuntento, pero ayos lang sa ‘kin kasi marunong siyang magpahalaga. Ayon sa kanya, mahalaga ang pagsusulat at pagbabasa ng sanaysay sa pagkat natututo ang mambabasa mula sa kaisipang taglay nito. Parang ideal partner pala ‘tong sanaysay, meron tayong hinahanap na characteristics sa kanya. Una sa listahan, tema at nilalaman , kahit anong laman ng isang sanaysay, itinuturing...
Comments
Post a Comment